Tom may cryptic photo; tuluyan nang in-unfollow si Carla

KASABAY ng pagpo-post ng cryptic photo, in-unfollow rin ni Tom Rodriguez ang kanyang estranged wife na si Carla Abellana sa Instagram.

Nitong Miyerkules ay bumalik sa IG si Tom at nag-post ng photo ng dalawang kamay na nakawala sa pagkakakadena.

Maliban dito, kapansin-pansin din na hindi na pina-follow ng aktor ang asawang aktres.
Naka-follow pa si Carla kay Tom habang isinisulat ang balitang ito.

Kaugnay nito, inihahahanda na ni Carla ang pagsasampa ng annulment sa korte upang mapawalang-bisa ang kasal sa asawa.

Nag-ugat ang hiwalayan dahil sa umano’y pagiging unfaithful umano ni Tom.


Ikinasal ang dalawa noong October 2021 habang nitong January pumutok ang kanilang split-up.