Enchong hinarap P1B libel case sa Digos City

NAISPATAN ng publiko ang aktor na si Enchong Dee sa Justice Hall ng Digos City, Davao del Sur nitong Huwebes.

Ayon sa Facebook page ng siyudad, dumating sa gusali ang Kapamilya actor kasama ang kanyang abogado alas-10 ng umaga Huwebes.

Nagtungo roon si Enchong para sa mediation hearing ng P1-billion libel case na isinampa sa kanya ni Dumper Party-list Rep. Claudine Bautista-Lim noong 2021.

Nag-ugat ang kaso makaraang i-tweet ni Enchong na galing sa pera ng bayan ang ginastos sa kasal ni Bautista sa businessman na si Tracker Lim sa Balesin Island.