BTS’ V new solo single nanguna sa iTunes Top Song chart sa 87 bansa

BUMIDA nang bonggang-bongga si V ng phenomenal na grupong BTS matapos mag-top sa iTunes Top Song char sa 87 ang kanyang bagong solo single na “FRI(END)S”.

Wala pang 24 oras nang irelease ito, nag No.1 na ito sa Worldwide iTune Song at European iTunes Song Chart nitong Sabado, ayon sa kanyang ahensya na BigHit Music.

Ito ang kanyang first solo project since “Layover”, ang kanyang debut solo album na inilabas noong September.

Ang “FRI(END)S” na isinulat sa English ay isang confession ng pag-ibig para sa isang kaibigan.