Leni papasukin ang vlogging? YouTube channel inihahanda na

MAY plano bang pasukin ni dating Vice President Leni Robredo ang mundo ang vlogging?

Ito ang tanong ng publiko makaraang ipost sa Facebook ni Robredo ang video ng bakasyon ng kanyang pamilya sa Turkey na siya mismo ang nag-edit.

“Today is, I think, my first free day since June 30 (as in walang laman ang calendar). Kaya marami akong na accomplish – nag-edit ng campaign coffee table book, nag post ng Turkey album sa IG and kinulit kulit si Jillian na turuan akong mag edit ng videos (paghahanda ng bagong chapter ng aking youtube channel. haha),” ani Robredo sa FB post.

“So, buong hapon akong nag aral. Nakatulog pa si Jill ng napakatagal kaya tuloy natagalan kami. Pinagpraktisan namin isa sa mga Turkiye videos. At eto na resulta – ako videographer, nag vovoice over, editor, etc. Pagpasensyahan nyo na kasi nakakainis boses ko at kailangan ko pang mag practice kumuha ng videos. Pero pinaghirapan ko ito,” dagdag ng dating VP.