Balls ng kelot naipit sa silya, naospital

VIRAL ang isang lalaki na naospital makaraang maipit ang kanyang balls sa monobloc chair.

Kumalat ang balita sa mga online news sites sa Visayas at Mindanao pero hindi tinukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at ang lugar kung saan naganap ang insidente.

Base sa mga news sites, naipit ang maselang bahagi ng lalaki dahil wala umano itong suot na briefs nang umupo sa monobloc chair.

Agad namang nagsisigaw sa sakit ang biktima dahil sa pangyayari kaya agad humingi ng tulong sa otoridad ang mga kaanak niya.

Nahirapang lagariin ng mga rumespondeng otoridad kaya nahirapang huminga ang biktima dahil sa sakit.

Nang makawala ang balls sa pagkakaipit ay saka lamang dinala sa ospital ang biktima.

Nasa mabuti nang kalagayan ang lalaki na nagtamo ng sugat sa nasabing maselang bahagi ng katawan.

DinIdetermina pa ng PUBLIKO kung totoo o fake news ang ulat.