VIRAL: Pansit, kamoteng kahoy handa sa wedding reception

NAIYAK ang isang bride sa reception hindi dahil simple lamang ang kanilang handa kundi dahil natupad na ang kanyang pangarap na maiharap sa dambana ng kanyang long-time partner.

Viral ang mga larawan ng bagong kasal dahil sa mga handa nilang kamoteng kahoy, pansit bihon at kanin sa reception.

Simple rin ang dekorasyon sa reception na dinaluhan ng ilang kapamilya at kapitbahay.

Sa ilan sa mga larawan ay makikitang emosyonal ang bride dahil sa sobrang kaligayahan.

Aniya, 12 taon ang hinintay niya bago natuloy ang kanilang kasal.

Napag-alaman naman ng PUBLIKO na umuwing busog ang kanilang mga bisita kahit hindi engrande ang handa.