Baby Shark video naka 10 billion views sa YouTube

UMABOT na sa mahigit 10 bilyong views sa YouTube ang music video na Baby Shark Dance.

Ito ang kauna-unahang video sa YouTube ang nakaabot ng ganito kalaking bilang ng mga nanood.

Unang in-upload ang Baby Shark Dance noong June 2016 ng Korean company na Pinkfong.