Babala ni Quiboloy: Humanda, judgment day sa Pasko

DAHIL umano sa ginawang paglapastangan sa kanya na Anak ng Diyos, sinabi ni Pastor Apollo Quiboloy na magkaroon ng Judgment Day sa Pasko.

“Parang ipinako ninyo ako sa krus at ipinatong ang lahat ng kasalanan sa akin na para bang ako ang pinakamasamang tao sa buong sanlibutan,” ani Quiboloy.

Dagdag niya, resulta naman ng pag-aakusa sa kanya ng sex trafficking ng US authorities ang bagong tuklas na Omicron variant ng Covid-19.

“Pinalalabas nila na ako ang pinakamasama, pinakatulisan gaya ni Jesus Christ noong nasa cross. Parang nag-exacerbate itong Omicron variant na ito ng Covid-19–magiging flesh-eating bacteria ‘yan,” sabi pa ni Quiboloy.

Kaugnay nito, ipinaala rin ng “Appointed Son of God” at “Owner of the Universe” ang publiko na kung gustong maligtas sa paghuhukom sa December 25 at ipasa na ang mga requirements na hinhingi niya bago ang deadline.

Matatandaan na nito pang Agosto inanunsyo ni Quiboloy ang deadline para sa pagsusumite ng mga dokumento para sa “clearance”.

Aniya, kailangang personal na magtungo sa kanyang tanggapan para mabigyan ng ligtas-huling paghuhukom certificate.

“Makinig kayo sa akin kasi ako ang kinatawan ng Ama sa lupang ito,” giit ni Quiboloy.