Pacquiao, Mayweather may ‘rematch’, pero…

INAASAHAN na ang muling pagbabakbakan ng mga boxing superstars na sina Floyd Mayweather at presidential candidate Manny Pacquiao.

Pero ang bakbakan ay hindi sa ring kundi sa basketball court.

Ikinakasa ngayon ng kampo ng dalawang boksingero ang charity basketball game na gagawin sa MGM Grand Arena kung saan sila nagtagpo sa laban noong 2015 sa Disyembre.

“We agree on the main concept of the event, which is to bring total entertainment to the fans of boxing, basketball and sports in general,” ayon sa joint letter na may date na Oktubre 1.

Ikinakasa ang match na lalahukan ng dalawang NBA players.

“We also aim to generate funds for our chosen charities this Christmas,” dagdag ng pahayag.