2 paslit grinipuhan ng ama; 1 patay

NASAWI ang batang lalaki habang sugatan ang kanyang apat-na-taong-gulang na ate makaraan silang pagsasaksakin ng sariling ama sa Cagayan de Oro City.

Dead on the spot ang batang lalaki habang ginagamot sa ospital ang kanyang ate. Nagtamo sila ng sugat sa leeg at katawan.

Agad na nadakip ang suspek, 30, na lubos ang pagsisisi sa nagawa.

Aniya, nagdilim ang kanyang paningin dahil sa selos kaya napagdiskitahan niya ang mga bata.

Inamin naman ng ina ng mga biktima na nag-away sila ng asawa bago ang insidente.

Narekober sa bahay ng pamilya sa Brgy. Lumbia ang patalim at gunting na ginamit sa pagpatay.

Nahaharap ang suspek sa kasong parricide.