Hidilyn Diaz nakuha na P10M incentive mula kay MVP

NATANGGAP na ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang isa sa mga cash rewards na ipinangako sa kanya.

Nakuha na ni Diaz ang P10 milyon cash incentive mula sa negosyanteng si Manny V. Pangilinan.

Kinumpirma ito mismo ito ni Pangilinan, na siyang chairman ng MVP Sports Foundation (MVPSF).

Ayon sa kanya, naideposito na ang sa account ni Diaz ang P10 milyon.

Labis naman ang pasasalamat ng 30-anyos na weightlifting Olympic champion at sinabi na malaki ang maitutulong ng nasabing reward sa kanya at kanyang pamilya.