Carlo Paalam palapit nang palapit sa Olympic medal

ISANG panalo na lang ang kailangan ng Pinoy boxer na si Carlo Paalam para makatiyak ng bronze medal sa men’s flyweight round sa Tokyo Games.

Ito ay matapos talunin ni Paalam ang Algerian na kalaban na si Mohamed Flissi sa laban nila Sabado ng umaga sa Kokugikan Arena.

Haharapin ni Paalam na tubong Cagayan de Oro ang boksingero ng Uzbekistan na si Shakhobidin Zoirov sa quarterfinals sa Martes, Agosto 3.