Willie walang isyu kay John Lloyd


HINDI na matutuloy ang nakatakda sanang show nina John Lloyd Cruz at Willie Revillame dahil sobrang busy umano ng TV host.


“Para na nga akong binugbog pagkatapos kong makipag-meeting. Tapos may mga inaasikaso pa ako sa sa pang-ayuda sa mga kababayan natin,” ani Willie.


“Lumilipad pa kami sa malalayong probinsiya. Inaasikaso ko pa ang hotel na ipinagagawa ko sa Mindoro pati ang hotel ko sa Tagaytay. Saan ko pa ilalagay ang sarili ko?” dagdag pa niya.


Pinabulaanan naman ng host ang isyu na dismayado siya kay John Lloyd kaya hindi na sila magkakasama sa show.


“Walang ganun!” giit ni Willie nang tunungin tungkol sa isyu.
“Ano ba? Nananahimik ako dito, bakit ba nila ako idinadamay sa mga issue kay John Lloyd?” dagdag niya. –A. Mae Rodriguez