Vice nagpatutsada raw kay Zephanie, kinastigo ng netizens

BUMUHOS ang puna sa Unkabogable star na si Vice Ganda dahil umano sa patutsada niya sa Kapuso singer na si Zephanie Dimaranan sa katatapos lang na grand finals ng “Idol Philippines” season 2 ng ABS-CBN.

Bago ianunsyo ang pangalan ni Khimo Gumatay bilang nagwagi, nagbigay ng mensahe si Vice sa mananalo at sinabing sana ay manatili itong “kapamilya.”

“Sa bagong hihiranging grand Idol winner, sana maraming magbukas na opportunities sa ‘yo. Sana mag-stay ka muna dito sa network na ‘to,” aniya.

Naniniwala naman ang maraming nakapanood at nakarinig sa sinabi ni Vice na si Zephanie ang pinariringgan nito.

Nakakontrata na sa GMA-7 si Zephanie, ang itinanghal na grand champion ng “Idol Philippines” season 1 noong 2019. Regular siya na napapanood sa “All-Out Sundays.”

Hirit ng mga netizens:

“Para kay vice ganda, madaling sabihin na mag stay na lang muna sa abscbn dahil mayaman na sya. Eh si zep kasi baguhan at kailangan bumuhay ng pamilya kaya syempre kailangan din ng trabaho ng bata. Minsan talaga kailangan piliin ang sariling pamilya kesa “kapamilya” network.”

“Makapagsalita si vice parang walang binubuhay na pamilya yung pinaparinggan nya. Kung tunay kang kapamilya mauunawaan mo kung bakit siya lumipat.”

“Loyalty Doesnt Pay Bills.”

“Bakit kaya mo bang buhayin pamilya niya! Mayaman kana at maraming ipon siya kailangan niyang magtrabaho!”

“Accla bakit mag iistay sa abs cbn si zep kundi nmn binibigyan ng project? Mabubuhay ba sya sa loyalty na walang kinikita? Isip2 din acclang yokabels.”

“Trabaho lang wala personalan. Wala na siya offer na work sa abs ano pa gagawin niya dun? Syempre kailangan din niya kumita may pamilya siya. Palibhasa mayaman ka na kaya ganyan ka magsalita.”