Daniel nagmura habang kumakanta sa birthday party; ‘KathDen’ kinumpirma?

SININGITAN ng mura at hugot ng aktor na si Daniel Padilla ang kantang “Hinahanap-hanap Kita” nang inawit niya ito sa kanyang kaarawan nitong Linggo.


Sigaw ni Daniel: “Put***ina, may kapiling ka ng iba!”


Naghiyawan naman ang mga kapamilya, kaibigan at mga bisita na dumalo sa party na ginanap sa Tanauan, Batangas sa pagpaparinig ni Daniel sa ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo at kay Alden Richards.


In-upload sa TikTok ang nasabing eksena ni Daniel ng isang fan na naimbitahan sa party.


Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 870K views at 51K likes.


Halo ang reaksyon ng netizens sa ginawa ni DJ.
“The confirmation we didn’t know we needed, Ahhhh My KathDen heart.”
“First time kong makita si Daniel na magaling umarte.”
“Kung ayaw mung makitang mahalin ng iba, ingatan mo. Simple as that.”
“Malalaman mo talaga kung sino ang may mali sa relasyon sa pinapakitang behaviour.”
“Skusta Clee pero pogi version.”
“Ayos lng yan Deej mkkhanap ka din makakasama habambuhay.”
“I feel your pain Deej.”