Tattoo artist kumpirmadong BF ni Kylie

INAMIN ni Kylie Padilla na ang tattoo artist na si Jinno John Simon ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso.

Sa TikTok video ni Francis Simon, inusisa ng fitness coach si Kylie kung sino ang lalaking kasama nitong naispatan sa mall kamakailan.

“Meron akong itatanong, nagkakagulo ang lahat, nagtatalo sila e. Sino ba yung kasama mo sa mall, yung nakaputi [at] long hair?” ani Francis.

“A, ayun ba? ‘Yung nagpapasaya sa puso ko. ‘Yun yon,” sagot ni Kylie.

“Kilala ko ba yon?” tanong uli ni Francis.

“Ay, parang kilala mo, kuya. Parang kamukha mo nga e,” tugon ni Kylie.

Nakababatang kapatid ni Francis si Jinno John. Matatandaan na spotted sina Kylie at Jinno John, ang owner ng Vimana Tattoo, na nagsa-shopping sa mall kamailan.