Sexy star natuwa nang sampalin ni Jaclyn Jose

PROUD ang sexy star na si Cloe Barreto nang masampal ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose sa Vivamax movie na “Tahan.”

“Sobrang bait niya, so hindi na ako kinabahan doing scenes with her. May scene na sinampal niya ako at natuwa akong nasampal ako ng isang Jaclyn Jose, best actress sa Cannes filmfest,” ani Cloe sa isang panayam.

“Sobrang idol ko si Ms. Jaclyn sa acting, so nung una ko siyang makaharap, nahihiya ako. Na-starstruck ako. Dahil first time ko siya maka-work, I told her na idol ko siya at nahihiya ako sa kanya.Sabi niya, huwag ka mahiya, then she kissed me on the forehead to relax me,” dagdag niya.

Marami rin, ani Cloe, na itinuro sa kanya si Jaclyn pagdating sa pag-arte.

“She told me na sa bedscenes, umpisa pa lang, gawin mo na nang maayos kasi kung hindi, ipapaulit lang sa iyo. So I learned na dapat, ibigay mo na agad ang hinihingi ng director para take one lang lagi ang sex scenes,” aniya.

“I also learned from Ms. Jaclyn the importance of being more open to your co-stars. This helps for you to have a good exchange ng ideas para mas mapaganda ang mga eksena ninyo,” dagdag pa ng sexy star.