Kris Aquino kinakarma, ayon sa netizen; Janno na-beast mode

INIREKLAMO ni Janno Gibbs sa pamunuan ng Facebook ang isa umanong abogado na nagpahiwatig na karma at sumpa ang pagkakasakit ni actress-TV host Kris Aquino.

“To suggest that Kris Aquino is sick as a family curse and seemingly deserves it is just Pure Evil. No other words to describe,” ani Janno sa Facebook kung saan inilakip niya ang mga na-screen shot niyang post ng basher sa nasabi ring social media platform.

Makikita sa isa mga post ng di-pinangalanang netizen ang magkatabing larawan ng pamilya Marcos sa inagurasyon ni Pangulong Bongbong at ang puntod nina dating Sen. Ninoy Aquino at mga dating pangulog Cory at Noynoy na kasama ang litrato ng may sakit na si Kris.

Caption ng netizen: Magtataka ka pa ba kung bakit.

Humingi rin si Janno ng saklolo sa Facebook para ma-ban ang nasabing account ng basher.

“Pure evil. How can @facebook allow this account to continue doing this,” sey ng singer-actor.

“And the language. This coming from a lawyer. Is this the Filipino today?” dagdag niya.