Ria hindi nabuntis ni Zanjoe–Sylvia Sanchez

ITINANGGI ng aktres na si Sylvia Sanchez na nagdadalang-tao ang anak na si Ria Atayde courtesy of actor Zanjoe Marudo

Sa isang panayam, klinaro ni Sylvia na nagde-date lang ang anak at si Zanjoe.

“Ang huli naming pagkikita ni Ria, nag-usap kami. Kasi hiwalay na kami ng bahay, e. Solo na siya. Sinabi niya, hindi pa raw (sila ni Zanjoe),” ani Sylvia.

“Pero nagliligawan, parang nagpaparamdaman, e, ganoon. Hindi ko masabi na oo talaga, kasi wala pang pag-amin, e. Wala pa talaga,” dagdag niya.

“Kaya nga natatawa ako ‘dun sa mga lumalabas na buntis, nagpakasal. Hello ako muna ang unang akakaalam ano? Ako po nanay,” paliwanag pa ni Sylvia.

Samantala, sinabi niya na handa na siyang magkaroon ng manugang.

“Wala. Hindi ko pa alam, kasi hindi pa naman sila nagsasabi sa akin,” sey niya nang tanungin kung may petsa na ang kasal ng anak na si Arjo Atayde at fiancee nito na si Maine Mendoza.

“Yung date, hindi ko tinatanong. Hinahayaan kong si Arjo ang magsabi sa akin, ‘di ba? ‘Yung, ‘Kailan ba, anak?’ ‘Malapit na, Mom. Malapit na.’ Kasi siyempre, gusto ko na magkaapo,” dagdag pa ng aktres.