Paolo Contis malaki ang itinanda

BOTHERED ang publiko biglang pagtanda ng itsura ni Paolo Contis isang buwan makaraang huling umere ang kanilang noontime show na “Tahanang Pinakamasaya” sa GMA.

Napansin ng netizens ang malaking pagbabago sa mukha ni Paolo sa  video ng pasasalamat niya sa comeback project niya na “Tabing Ilog” na kasama sina Kaye Abad at Patrick Garcia.

Sa video message na naka-upload sa official Facebook page ng Sparkle GMA Artist Center, nagpahayag ng galak si Paolo dahil nangunguna ang pelikula sa Netflix.

Hindi naman tuwa ang naramdaman ng mga nakapanood ng nasabing video.

“Mukha ng senior KA na ah!”

“How old are you Paolo you look 80yrs old na.”

“Na stress ata si Pao.”

“Bat ang tanda n ng itsura m prang nadagdagan k ng 20 yrs s, edad m.”

“Parang laki ng itinanda ni Paolo ah,  stressed ang hitsura umimpis mukha at malalim eye bags.”

“Mukang matanda pa sa tvj.”

“Ang lungkot ng mata ni Paolo Contis.”

“Parang kinukulam ka Paolo? Hhhhe,,ingat! 50 yrs old face. Mag stress stab.”

Nitong Marso 14 ipinadiwang ni Paolo ang kanyang ika-40 kaarawan.