4 MILF members todas sa ambush

TINADTAD ng bala ang tatlong magkakamag-anak at kanilang kasama ng mga kalalakihan sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Linggo, iniulat ng pulisya.

Pawang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) 118th Base Command ang mga biktima.

Ayon sa ulat, patungo ang apat, kabilang ang mag-ama, sa isang motor trail activity sa Datu Hoffer nang tambangan sila ng grupo ni Kagi Katatang, dating commander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, sa Brgy Satan alas-8 ng umaga.

Dead on the spot ang mga biktima na mga residente ng Dapiawan, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao Del Sur. 

Rido o away ng mga angkan ang itinuturong motibo sa pamamaslang.