Pagreretiro sa showbiz ni Jaclyn hindi tuloy

INANUNSYO ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose na hindi matutuloy ang kanyang planong pagreretiro sa show biz.

Ang dahilan: mayroon pa siyang dalawang taon na kontrata sa GMA-7.

“I wanted to but I still have two-year contract with GMA,” ani Jaclyn sa isang panayam.

Matatandaan na noong isang linggo ay ginulat ng Cannes Film Festival best actress ang publiko nang sabihin niyang magku-quit na siya sa pag-arte.

“I am retiring… marami po salamat…masakit but I have to go,” aniya sa Facebook post.

Hindi naman niya klinaro kung bakit tatalikuran na niya ang industriya makaraan ang mahigit apat na dekada.

Itinuturing si Jaclyn bilang isa sa greatest Pinoy actresses.