EJ Obiena tinalo World’s Number 1 na si Duplantis

GINULAT ng Pinoy pole Vaulter na si EJ Obiena ang world’s number one na si Mondo Duplantis matapos ang kanilang laban sa Memorial Van Damme Wanda Diamond League sa Brussels, Belgium Biyernes (Sabado sa Pilipinas).

Tinalo ni Obiena si Duplantis matapos i-clear ng Pinoy ang 5.91 meters sa kanyang ikatlong attempt para sa kanyang unang pagsabak sa nasabing laro.

“Made a core memory today,” pahayag ni Obiena sa kanyang social media post matapos ang kanyang pagkapanalo.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na natalo ng Pinoy pole vaulter si Duplantis na sinasabing GOAT (greatest of all time) sa nasabing laro dahil sa kakayanan nito na malundag ang higit pa sa 6-meter mark.

Nabigo naman si Duplantis na i-clear ang 5.91 meters at nagtala lamang ng 5.81 meters.

Pumangatlo naman sa nasabing laro ang world’s number two na si Chris Nilsen.