Pag-usad ng kaso ni Vhong may konek sa politika?

SINO nga ba ang pinatutungkulang “backer” ng kampo ni Deniece Cornejo kaya umusad ang mga kasong acts of lasciviousness at rape nito laban kay actor-host Vhong Navarro.

Ito ang naungkat nang humarap sa media ang asawa ni Vhong na si Tanya Winona Bautista-Navarro nitong Miyerkules ng gabi.

Nang tanungin kung may ideya siya sa posibleng nasa likod ng “pagkakabaliktad kay Vhong,” sinabi ni Tanya na, “I do. We have. Pero parang hindi ko naman masasabi ‘yun. Right now, siguro mas marami pang mase-share yung legal team sa akin.”

Dagdag niya: “We suddenly feel attacked na parang wala kaming kalaban-laban kasi nga, ‘San galing?’”

Idinadalangin naman ni Tanya na walang koneksyon ang pagpasok ng bagong administrasyon sa kaso ni Vhong.

“I hope wala. That would be very sad. I hope wala,” aniya.