Face mask sa loob ng school tuloy pa rin

SABAY na ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHEd) na mananatili ang mandatory use of face mask sa loob ng mga paaralan at unibersidad.

Sa hiwalay na DepEd Order numbet 41 at CHEd Memorandum 9, sinabi ng mga ahensiya na magiging opsyonal naman ang mask sa mga open spaces at sa mga akbididad sa labas.

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang boluntaryong pagsusuot ng mask sa mga open spaces.