No tears na pag-iyak ng PBB winner pinag-tripan ng bashers

NITONG Linggo ng gabi ay itinanghal si Anji Salvacion bilang big winner ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Nang inanunsyo ang kanyang pangalan, napaupo sa sahig ng PBB house si Anji habang paulit-ulit na nagpapasalamat sa Diyos.

Mapapanood din sa telecast na humahugulgol si Anji, na nagwagi ng P2 million cash.

Pero sa mga social media platforms kung saan lumabas ang video ng kanyang pag-iyak, maraming netizens ang nagtanong: Bakit invisible ang luha ni Anji?

“Aabutan ko sana ng tissue kasi iyak ng iyak. wala palang luha hahahahahaa anyway congrats anji.”

“Siya lang yung big winner na umiyak na walang luha.”

“Tagumpay ang plano! Iiyak ng walang luha mula umpisa hanggang dulo! Anyways congrats.”

“Gusto kong pumatak luha ni anji kaso wla. congrats anji”

“Parang tanga wlang luha.”

“Mahirap talaga umiyak kapag alam mong panalo kna talaga.”

“Grabe na yong iyak nya pero wala talagang luha, natawa lang ako. btw congrats anji deserve.”

“Mas madami pakong luhang nailabas kesa ke anji habang nanunuod. Congrats”
Ipinangtanggol naman ng mga fans ang pag-iyak ni Anji nang walang luha.

“Wla luha kc ubos n po luha Nya..Hnd n nkka labas dhil s subra saya Nya…”

“Sa mga naghahanap ng luha ni Anji, doon nalang kayo maghanap sa mga bashers na 6% at panay BBE, baka umiiyak pa rin mga yun hanggang ngayon! Gagiii lang tologo, pati pag iyak issue sa inyo?”