Mona Lisa binaboy

TINANGKANG basagin ang salamin bago sinabuyan ng cream ang painting na Mona Lisa sa Louvre sa France ng isang lalaki na nagpanggap na matandang babae.

Ayon sa ulat, tumayo sa wheelchair ang suspek bago sinugod ang painting ni Leonardo da Vinci.

Sa kabutihang palad ay hindi nabasag ng suspek ang salamin na nagpoprotekta sa painting.
Agad namang pinunasan ng staff ng museum ang salamin.

Isa umanong environmentalist ang suspek na dinakip matapos ang insidente.

“Think of the earth, people are destroying the earth,” sigaw ng suspek habang inilalabas ng museum.