Ellen Adarna buntis?

ITO ang tanong ni Ogie sa kanyang “Showbiz Update” vlog.

“Narinig ko lang naman. Sana nga totoo. Ngayon kung idi-deny, wala rin namang problema. Baka naman false alarm.

“Pero grabe daw happy… Pinaka-happy daw si Derek Ramsay, ‘yun ang narinig ko,” dagdag ni Ogie.

May isang anak si Ellen sa aktor na si John Lloyd Cruz, gayundin si Derek sa dati nitong misis.

Ikinasal sina Ellen at Derek noong November 2021 sa Bagac, Bataan.