Neri Naig sa mga nanay: You are a great mom

NAGBIGAY ng mensahe ang dating aktres at ngayon ay entrepreneur na si Neri Naig sa mga nanay na araw-araw nagtatrabaho para sa pamilya.

Sa isang Instagram post, tinawag niya na “great mom” ang mga nanay.

“In case no one has told you lately, you are a great mom!” sey ng asawa ni Chito.

Aniya pa, anumang problema o pagsubok ay malalampasan din ng mga ito.

“Kapit lang mga nanay! Makikita rin nila ang value at sacrifices natin para sa kanila. Isang mahigpit na yakaaaaaaap! Nahihirapan pero hindi susuko. Labaaaaaaan lang palagi. Pahinga lang tapos laban ulit. Malalampasan din yan!” chika niya.

Maraming inang netizens naman ang nagpasalamat kay Neri dahil sa mensahe niyang ito.