Mystica nanghingi ng pagkain sa US restaurant, na-bash ng netizens

HINDI nagustuhan ng netizens ang “social experiment” ni Mystica kung saan nanghingi ito ng pagkain sa isang Pilipino na nagtatrabaho sa supermarket.

Sa kanyang vlog, nagtungo ang singer sa Seafood City Supermarket sa Las Vegas at lumapit sa isang cashier na Pinoy saka nakiusap na makalibre ng pagkain dahil wala umano siyang pera at trabaho.

Naawa naman sa kanyang ang cashier na si Gloria at binilhan siya ng dalawang stick ng pork barbecue.

Kinalaunan ay inamin din niya sa cashier na isa lamang social experiment ang kanyang “panlilimos.”

Ipinaliwanag ni Mystica na nais niyang malaman kung tutulungan ng Pinoy ang isang kapwa Pinoy na naghihirap kahit sila ay nasa ibang bansa.

Gayunman, hindi nagustuhan ng mga nakapanood ng vlog na kahit sinabi na ni Mystica na prank lang ang eksena ay hindi pa rin umano niya binayaran ang pagkain bago umalis.

Napag-alaman na ibabawas sa sahod ng cashier ang halaga ng pagkain na ibinigay nito sa singer.

Ngitngit ng mga netizens:

“Dapat instead tinanggap mo ung binili sayo binalik mo nalang!! At sya pa binigyan mo ng reward kung tlagang prank lang ang ginawa mo!!! Kaloka ka!”

“Kawawa naman binudol mo…yung reaction ng mukha halatang napipilitan lang sa kalokohan mong wala sa hulog.”

“Kawawa nman yung nagbayad ndi man lang inabutan un pa talaga pinagbayad.”

“Hahaha okay din style ni madam nakabudol.”

“Inutakan mo lang talaga yung kawawang tindera na nagtatrabaho ng marangal in the pretense of social experiment kuno.”

“Wow! Para paraan talaga! Experiment ba yan! Anyways sana lang after mo magpakilala ikaw na nagbayad ng food mo bakit kailangan i libre ka pa?”

“Sana binayaran niyo si Mader and more. Kasi minimum din wage yan. You probably got it better than her.”