Kristel sumamba sa Korea, hinangaan ng INC members

BUMILIB ang mga kapwa kaanib sa Iglesia ni Cristo, kabilang ang veteran broadcaster na si Anthony Taberna, sa actress-singer na si Kristel Fulgar sa pagsamba nito sa South Korea nitong Linggo.

Sa Facebook post, ibinahagi ni Kristel ang larawan niya sa harap ng kapilya ng INC sa Banwol Island.

Humanga naman ang mga kapwa-kapanalig sa INC sa dedikasyon sa pananampalataya ni Kristel.

Ani Taberna: ““Proud of you @kristelfulgar!”

Sabi naman ng iba pang INC members:

“Khit san ka pumunta d mo nkklimutang sumamba.. khanganga ang iyong pananamplataya sa dios.. isa kang huwarang kapatid na dpat tularan.. saludo ako sau kapatid na kristel.”

“Bilang isang kaanib sa INC alam mo na importante ang pagsamba, at yan ang katibayan na dala dala mo kahit saan ka mkarating pag araw ng samba hahanapin mo ang kapilya. Proud ako sayo kapatid.”

“Im proud of you sister every were you go being active in the Church of Christ.”

“Kabataang mananampalataya dapat tularan kahit san mapadpad di nakakalimutang maglingkod sa Ama!”

“Kaya mas gusto kong panoorin ang batang ito dahil super family oriented. Napakabait na anak at may takot sa Diyos. Never ko narinig nagmura sa mga vlog nya di tulad ng ibang vlogger na ang papangit ng mga lumalabas na salita sa bibig.”

“Ganda nmn po ng kapilya natin jan sis ingat po.”