Tangkang pagpapatiwakal napigilan ng pulis

NAPIGILAN ng mga rumorondang pulis ang babae na akmang tatalon mula sa tulay sa San Jose del Monte, Bulacan nitong Linggo.

Hindi naman pinangalanan ang babae na napag-alaman na na-depress makaraang hiwalayan ng kasintahan.

Ayon sa ulat, nagpapatrolya ang mga pulis sa Brgy. Minuyan ala-1:30 ng hapon nang maispatan nila ang babae na nakaupo sa metal barrier ng Tialo Bridge.

Bago pa nakalundag ang babae ay dinamba ito ng mga pulis.

Makaraang kausapin ang babae ay inihatid ito ng mga otoridad sa kanyang bahay sa Brgy. Graceville.