Miss Universe R’bonney Gabriel, isang Fil-Am

HINDI man nakasali sa semifinals man lang ng Miss Universe ang pambato ng Pilipinas na si Celeste Cortesi, may dapat pa ring ipagdiwang ang bansa dahil isang Filipino-American ang tinanghal na bagong beauty queen na si R’bonney Gabriel.

Si Gabriel, na siya ring kauna-unahang Filipino-American na nagwagi ng Miss USA, ang nagwagi laban sa 83 na kandidata sa ginanap na Miss Universe Sabado ng gabi sa New Orlean, Louisiana.

Ang Venezuelan na si Amanda Dudamel ang first runner-up habang second runner-up naman si Andreína Martínez ng Dominican Republic.

Ang 28-anyos na beuaty queen ay ipinanganak sa Estados Unidos ngunit ang kanyang ama ay isng Filipino habang ang ina ay buhat sa Texas.

Bago magpandemya, balak umano ni Gabriel na lumipad patungong Pilipinas para makilala ang mga kaanak ng ama.