May balikan bang magaganap: Daniel binura breakup statement

KAPANSIN-pansin na wala na ang breakup statement na ipinost ni Daniel Padilla sa Instagram noong November 30.

Imbes, isang maiksing caption na, “ikaw at ako” ang kapalit nito.

Dahil dito, mas lalong nabuhayan ng loob ang mga KathNiel fans sa posibleng balikan ng kanilang mga idolo dahil tila hindi titigil si Daniel para muling mapaibig si Kath.

Matatandaan na sa nakaraang ABS-CBN Chiristmas Special at Asian Artist Award sweet na sweet na magkasama sina Kathryn at Daniel.

Samantala, winner din ang mag-ex sa recently concluded na Asia Artist Awards.

Nakuha ng dating magkarelasyon ang Fabulous Award.

“What an honor to be recognized tonight by these beautiful and talented people. Thank you so much, AAA, for this Fabulous Award. This is my first time attending this. Nakaka-proud na bilang Pilipino tayo ‘yung nagho-host ng ganitong event, ’di ba?” ani Kathryn sa kanyang speech.

“Also, I wanna take this opportunity to thank everybody for supporting Filipino made TV series and as well as the movies. Patapos na ‘yung taon but I feel so blessed and I’m sharing this award with all of you. Maraming maraming salamat,” dagdag niya.

Talumpati ni Daniel: “Magandang gabi po sa inyong lahat. Annyeong! Ayon, siyempre, maraming maraming salamat, thank you sa AAA. And, everyone, maraming salamat sa inyo. Enjoy the night and goodnight!”