Lolit Solis kay Paolo Contis: Bakit si Yen kasama mo sa Baguio?

NAGTATAKA si Lolit Solis, manager ni Paolo Contis, kung bakit sa dinami-dami ng pwedeng isama sa Baguio City ay bakit si Yen Santos ang napili ng kanyang alaga.

“Isa lang hindi ko naintindihan, iyon ng kailangan niya ng kausap dahil nga sa mga nangyayari sa kanya ngayon, bakit si Yen Santos ang tinawagan niya? Wala ba siyang kaibigan lalaki?” chika ni Lolit.

“Hindi ba kadalasan, ang gusto mo ka jamming kapwa mo lalaki dahil ito higit na mas makakaunawa sa iyo dahil pareho kayo ng gender?” dagdag pa niya.

Kwento niya, napataas ang kilay niya nang malaman niya ang dahilan ni Paolo nang makita sila ni Yen na magkasama sa Baguio.

“Duon lang talaga tumaas ang kilay ko, why Yen Santos, mother figure? Bff? Why her? Naku, ayoko ng complicated na issue, basta wala sa timing…”

Sa latest post ni Paolo, inamin niya na nagkasama sila ni Yen sa Baguio ng isang araw.

Pero trending din sa social media na hindi lamang isang araw nagsama ang dalawa. –A. Mae Rodriguez

See related story:
https://www.facebook.com/107572388054330/posts/236893818455519/