Lolit nawawala sa sarili dahil sa sakit

TWICE a week kung magpa-dialysis ang veteran show biz columnist at talent manager na si Lolit Solis kaya maraming araw na tila wala siya sa sarili.

Sa Instagram post, inamin ni Lolit na lutang at bangag ang pakiramdam niya sa kanyang pagpapagamot.

“Ewan ko ba kung epekto ng gamot iyon parang lutang ang utak ko. Parang paggising ko hindi ko alam ang araw at oras. Parang walang laman ang ulo ko, at parang bangag talaga,” aniya.

Dagdag niya, pakiramdam niya ay “unfair” ang buhay dahil sa pinagdadaanan niya.

“Naiiyak na nga ako kung minsan…kundi sa IG at column baka kung ano na naman maisipan kong gawin, alam mo naman may pagka criminal mind ako, hah hah hah, joke lang,” sabi pa ni Lolit.

“Ang hirap talaga pag dati kang physically active tapos bigla kang mag slow down dahil nga meron kang sakit,” litanya pa niya.