Kylie Padilla binanatan si Cristy Fermin: Grow up!

Binanatan ni Kylie Padilla ang entertainment columnist na si Cristy Fermin matapos sabihin na palaging may kausap si Kylie sa phone tuwing madaling araw.

“Kung natatandaan niyo po, mga kapatid, lagi po nating pinag-uusapan noon ‘yung kwento ng aking source na si Kylie po talaga ‘yung laging may kausap sa garden. Kahit na madaling-araw, oo, meron siyang kausap sa phone, bumababa siya. Kahit sa kusina, gano’n-gano’n, meron siyang kausap,” chika ni Cristy.

Ito ay matapos magsalita ng ex-husband ni Kylie na si Aljur Abrenica na ang aktres umano ang unang nag-cheat sa kanilang relasyon.

“Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sa inyo. Nag titimpi ako para sa mga anak ko. Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha mo sa pag sisira sakin GROW UP. Ang tatanda nyo na,” tweet ni Kylie.

Dagdag pa niya: “At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo.”