Kuya Wil sa trolls: Huwag n’yo muna akong tirahin

NAKIKIUSAP ang TV host at pilantropong si Willie Revillame sa mga tagasuporta ng ibang politiko na huwag muna siyang batikusin dahil wala pa siyang desisyon kaugnay sa 2022 elections.


Ayon kay Revillame, maraming taong malalapit sa kanya ang nagtatanong kung tatakbo siyang senador.


Pero ang paulit-ulit niya umanong sinasabi ay “Wala pa akong masasabi sa ngayon.”
Maging ang mga mamamahayag ay interesado na ring malaman ang plano niya sa susunod na halalan.


“Wala pang mai-interview sa akin kasi wala pa naman akong desisyon. I hope maintindihan n’yo ako. Once lumabas naman akong magdesisyon na, ayun open na ako sa lahat,” aniya.


Inihayag din niya na sa susunod na buwan pa ang pag-aanunsyo siya, pero ngayon pa lang ay may mga bumabanat na sa kanya.


“Wala pa ho akong desisyon, huwag n’yo muna akong tirahin. Wala munang tirahan,” dagdag ni Revillame. –A. Mae Rodriguez