Korean actor Lee Ji Han patay sa Itaewon Halloween tragedy

ISA ang South Korean singer-actor na si Lee Ji Han sa may 154 katao na nasawi sa Itaewon Halloween tragedy nitong Sabado.

Ito ang kinumpirma ng ahensiya ng aktor na 935 Entertainment nitong Lunes.

“Actor Lee Jihan… has become a star in the sky and left us,” ayon sa kalatas ng 935 Entertainment.

Si Jihan ay nakilala matapos mapasali bilang finalist ng Korean singing competition na “Produce 101” second season noong 2017. Noong 2019 nang i-launch ang kanyang acting debut sa web drama na “Today Was Another Nam Hyun Day.”

Nasa 154 katao ang nasawi habang 100 pa ang nasugatan nang maganap ang crowd surge sa jampacked na Halloween event sa Itaewon district sa South Korean capital na Seoul nitong Sabado, Oktubre 29.

Idineklara na ni South Korean President Yoon Suk Yeol ang national mourning dahilan para pansamantalang suspidihin ang airing ng mga entertainment shows sa bansa.