Kit Thompson tinuluyan ng pulisya

Pinagbubura ng aktres na si Ana Jalandoni ang mga larawan ng boyfriend na si Kit Thompson sa kanyang mga social media accounts.

Maging ang mga larawan nila na magkasama ng aktor sa Instagram ay tinanggal na rin ni Jalandoni.Kaugnay nito, kinasuhan ng pulisya si Thompson ng paglabag sa Section 5(a) ng Republic Act No. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

“We will wait for the decision of the prosecutor based on his appreciation and evaluation of evidence presented. The PNP has gathered the necessary evidence and witness accounts in the course of its investigation,” ani PNP chief Gen. Dionardo Carlos.

Matatandaang dinakip si Thompson sa isang hotel sa Tagaytay City nitong Biyernes makaraan niyang bugbugin si Jalandoni dahil umano sa selos.