Angelica Panganiban buntis; ‘May matres ako, mga baklaaah’

IBINUNYAG ng aktres na si Angelica Panganiban na magiging nanay na siya very soon.

Labis ang tuwa ni Angelica dahil ito ang pinakahihintay niya–ang maging isang ina.

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko,” chika ni Angge.

“Magiging ganap na INA na po ako,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat din siya dahil magkakaroon na ito ng pamilya kasama ang boyfriend na si Gregg Homan.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu. may pamilya na ko kaiyaq pramis,” dagdag pa niya.