Kasalang Bea at Dominic: Wala pa o wala na?

GANITO ngayon ang mainit na tanong ng netizens kay Dominic Roque matapos siyang mag-post ng low-key emotional photo sa Instagram at i-off ang comment section.

Ipinost ni Dom ang larawan niya na sa beach habang nakatingin sa kawalan makaraang kumalat ang video ng interview sa girlfriend na si Bea Alonzo na sinasabing wala pang plano sa kanilang kasal na nakatakda na ngayong taon.

Napansin din ng netizens na hindi na isinusuot ni Bea ang kanyang engagement ring.

Ano nga kaya ang meron sa dalawang ito?

Wala pa ba o wala na?