Julia nagtalop sa 25th birthday

NAPANGANGA ang publiko sa mga larawang ibinahagi ni Julia Barretto para sa kanyang ika-25 kaarawan.

Sa mga larawan na ipinost niya Instagram, makikita na tanging silver glitter lang ang “suot” ng aktres.

Caption niya: “25”.

Binati naman si Julia ng mga kapwa niya celebrities na sina Rufa Gutierrez, Alex Gonzaga, Sarah Lahbati at Ria Atayde.

Nag-post din ng mensahe para sa kanya ang boyfriend na si Gerald Anderson.

“This day in 1997 God sent us an Angel. Happy Birthday Baby,” sabi ni Gerald sa IG.