Kandidatong ieendorso ni Duterte may letrang ‘O’

SINABI ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar na may letrang ‘O’ ang pangalang ieendorso ni Pangulong Duterte sa pagkapangulo para sa darating na May 9 elections.

“Because obviously if I say ‘O’ there’s a number of candidates that have the letter O in their names,” sabi ni Andanar habang ipinapaliwanag na ito ang mabilis na naisip niya habang nasa “fast question” segment nang kapanayamin ng CNN.

“When I said ‘U’, it was an answer based on my instinct, parang kakaunti lang yung tao sa mundo na may U ang pangalan. I had to choose, ‘yun pala may dalawa (kandidato),” dagdag nito.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin kung sino ang ieendorso sa pagkapangulo ni Duterte.

“The President holds his cards very close to his chest that no one can see it. We’ve had the President for five years and seven months and he does that all the time,” aniya.