Julia bineso, tinagayan si Bea

TILA ibinaon na sa limot nina Bea Alonzo at Julia Barretto ang isyu kaugnay kay Gerald Anderson makaraan silang makitang nagtsi-chikahan sa isang event kamakailan.

Sa viral video sa TikTok, makikita na excited sina Bea at Julia nang magtagpo sa surprise tribute party para sa direktor na si Johnny Manahan o Mr. M.

Matapos magyakap at magbeso ay binigyan ni Julia ng baso ng tila alak si Bea bago sila nagtawanan.

Matatandaan inakusahang third party si Julia sa hiwalayan nina Bea at Gerald noong 2019.

Unang itinanggi ni Julia na may ugnayan sila ni Gerald pero umamin din ito makaraan ang dalawang taon.