Ria pumalag sa preggy issue

NAGPATUTSADA ang aktres na si Ria Atayde sa mga marites na nagkakalat ng balita na siya ay nagdadalang-tao.

Sa Facebook, nagbahagi ang fiancee ni Zanjoe Marudo ng cryptic post ukol sa mga nagpapasimuno ng fake news ukol sa kanya.

“Never disturb your peace by confronting everyone who gossip about you. Let them talk, none of them add value to your life,” ani Ria.

Dahil sa mga naglalabasang larawan ng aktres, marami ang naniniwala na buntis ito. Duda rin nila, kaya raw biglang nag-propose sa kanya si Zanjoe ay dahil sa kalagayan niya.

Bago ang cryptic post ay kapwa tahimik lang sina Ria at Zanjoe, pero ang nakababatang kapatid ng aktres na si Gela ang nag-deny na buntis ang ate niya.

Paliwanag ni Gela na na-diagnose si Ria na may Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) kaya mahihirapan itong mabuntis agad.