Janine-Rayver ‘breakup’ one month na

HOT topic pa rin ngayon ang chika na break na ang dating magkasintahan na Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

One month na palang tapos ang relasyon ng dalawa.

At siyempre marami ang nanghinayang sa relasyon ng dalawa dahil nga tumagal din ito ng dalawang taon kahit pa mula sila sa magkaibang network.

Ang sabi ng mga Marites, mutual ang naging desisyon nina Janine at Rayver. Pero may ilang Sharmaine naman din ang chumika na si Janine daw ang kumalas dahil gusto nitong mag-grow.

Busy pareho ang dalawa sa kanilang mga career at matagal na ring hindi nagkikita. Si Janine ay naka-lock-in sa taping ng Marry Me, Marry You ng ABS-CBN kasama si Paulo Avelino habang si Rayver naman ay busi with Julie Anne San Jose sa The Clash 2021 sa GMA.

Wala raw third party sa hiwalayang ito at hanggang ngayon ay they follow each other sa kanilang mga IG accounts.