Kuya Wil suportado si Bong Go

WOWOWIN host na si Willie Revillame naglabas na ng kulay kung sino ang susuportahan niyang pangulo sa 2022 elections.

Ayon kay Revillame si Senador Bong Go, ang pambato ng Malacanang, ang ieendorso niya sa pagkapangulo. Ginawa niya ito sa launching ng 149th Malasakit Center sa San Lorenzo Ruiz Hospital sa Malabon City nitong Martes.

“Narito ako para suportahan ang project ni Senator Bong Go. Hindi lang ang Malasakit Center kundi maging si Senator Go ay tuloy-tuloy na magsisilbi sa bawat Filipino,” sabi ni Revillame.

Sinabi rin ni Revillame na malaki ang naitutulong sa mga mahihirap ng Malasakit Center na sinimulan ni Go noong 2018.