Janine hindi feel makatrabaho si Paulo?

KUNG paniniwalaan ang source ng talent manager-blogger na si Ogie Diaz ay ayaw na munang makatrabaho ni Janine Gutierrez si Paulo Avelino.

Sa latest episode ng “Showbiz Update,” sinabi ni Ogie na tila hindi maganda ang hiwalayan ng dalawa.

“Ako naman, kahit hindi sabihin ‘yon ha, siyempre ‘di ba ‘di ka muna makikipagtrabaho? Parang wala pang maayos na closure,” aniya.

Samantala, naobserbahan naman ni Ogie na tila may nagiging open na si Paulo sa kanyang love life nang ma-link kay Kim Chiu.

“Pansinin mo, ‘yung lovelife ni Paulo noong bago dumating si Kim Chiu, hindi pinag-usapan ni Paulo ‘yon.

Laging nanatiling pribado ang kanyang lovelife,” punto ng talent manager.

“Pero ito, tingnan mo kay Kim Chiu. Parang game na game siyang makipagharutan. Game na game siyang makipag-joke. Parang nag-iba na ‘yung landscape ni Paulo,” dagdag ni Ogie.