Surigao del Sur niyanig ng magnitude 5 na lindol

GINISING ng magnitude 5 na lindol ang Surigao del Sur Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang pagyanig 24 kilometro northeast ng bayan ng Lingig town alas 5:16 ng umaga.

May lalim itong 28 kilometro at tectonic ang origin.

Naitala ang Intensity V sa Hinatuan.

Intensity IV naman ay naramdaman sa Bislig City, Surigao del Sur.

Naitala ang instrumental Intensity III sa Bislig City at Intensity I sa Tandag City.